Regalo
. Medyo matagal ko na itong karanasan pero isa ito sa mga eksena na gustong gusto kong balikan. Yung isang memorya na gusto mong ulit ulitin na parang isang sirang plaka. Tawagin nyo na lang ako sa pangalan na Raymond, Mond na lang for short. Hindi ako katulad ng ibang silahis na gwapo o maganda ang katawan. Sa katunayan, ako ang kabaliktaran nila. . Hindi ako pinagpala sa itsura. Masasabing panget ako. (Yun kasi ang totoo ) May kaitiman ang kulay at may malusog na pangangatawan. Sa madaling salita, hindi habulin ng lalaki. Matagal ko na naman natanggap yon. Kaya ang focus ko na lang ay sa eskwela at sa ilang malalapit na kaibigan. . Sa inuman, ako yung palaging tampulan ng katatawanan. Mapagbiro kasi akong tao. Kinatutuwaan pero di minamahal. Laging taga tulay sa mga kaibigan pero never nagkaroon ng ka - ibigan. Taga payo sa mga may jowa pero kahit kailan di nag ka jowa. Charot ! Sa madaling salita, isa akong NBSB ( No boyfriend since birth ) . Wala pa rin akong karansang ...